Anne Curtis to do One More Chance Sequel with Derek Ramsay
May gagawing pelikula si Anne Curtis kapareha si Derek Ramsay mula sa Star Cinema. Kuwento ni Anne sa PEP (Philippine Entertainment Portal), sinimulan na ang shooting para sa pelikulang una nilang pagtatambalan at sequel sa 2007 blockbuster-hit and highly-successful na pelikulang One More Chance nila John Lloyd at Bea Alonzo.
Ang pamagat ng pagbibidahan ng dalawa ay One More Chance Again at inaasahang mapapalabas sa araw ng mga puso sa susunod na taon.
“It’s a sequel to a very beautiful love story. Hindi siya yung usual na ini-expect ninyo sa mga pelikulang ginagawa ko at I hope we satisfy or even exceed the expectations ng mga fans mula sa ginawa nila John at Bea sa One More Chance. Sobrang excited na kami kasi ang ganda ng pagkakasulat talaga, it follows from the story of Popoy and Basha at present na ang setting. I hope it warms up to the fans of the original kasi homage ito sa lahat ng nagustuhan natin sa gawa nila John and Bea. I’m really hopeful, siyempre, si Inang [Olivia Lamasan] pa yung magdidirek. So kami, looking forward.” wika ng isang masayang Anne Curtis na nakadamit estudyante kahapon, Dec 7, pagkatapos ng ilang kuha para sa naturang pelikula sa loob ng UST (University of Santo Tomas).
(Source: pep.ph)